Una sa Balita

C-Stand move on na sa pagkatalo

0 411

DUMATING si Christian Standhardinger sa NorthPort sa kalagitnaan ng PBA Governors Cup eliminations noong October.

Pinakawalan siya ng San Miguel Beer kapalit ni Mo Tautuaa.

Nabuo ang three-hea­ded monster ng Batang Pier kina Michael Qualls, Sean Anthony at Standhardinger sa playoffs, naging unang No. 8 team sapul ng Powerade noong 2012 ang NorthPort na nagtumba sa top seeded team sa quarterfinals.

Nilusaw ng Batang Pier ang twice-to-beat ng NLEX para pumalaot sa semifinals.

Dinomina ng Batang Pier ang opener ng final four kontra Ginebra 124-90, pero binawian sila ng Gin Kings sa sumunod na tatlong laro para isara ang series 3-1.

Makasampa lang sa final four ay malaking bagay na para sa team ni coach Pido Jarencio.

“It’s a huge accomplishment being one of the best four teams in this confe­rence,” ani Standhardinger. “It’s really impressive.”

Kung hindi nagka-injury sina Robert Bolick (ACL), Sol Mercado (ankle) at Kevin Ferrer (toe) ay baka nag-iba ang ihip ng hangin sa semis.

Natapos ang kampanya, pero nakatanaw na ang Fil-German sa susunod na taon sa inaasahang full season niya sa NorthPort.

“I’m already watching films,” bunyag niya. “I’m gonna take like maybe a week off taking care of my body, maybe two weeks active recovery, and then I’m gonna go in there with my guys. We’re gonna watch film, gonna know exactly how we improve things.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More