Una sa Balita

C-Stan kakalas na sa anino ni Fajardo

0 627

NABIGLA ang basketball community nang biglang ipadala ng San Miguel ang 2017 top rookie pick na si Christian Standhardinger sa NorthPort Batang Pier kapalit naman ni 2015 top rookie draftee Moala Tautua.

Marami nang trade rumors ang nagkalat patungkol kay Christian bago ito ngunit hindi maitatanggi na lahat ay nabigla pa rin.

Linggo nang matalo ang Beermen kontra sa Ginebra, heto ngayon bata na ni Coach Pido Jarencio si Standhardinger.

Aprubado ito ni PBA Commissioner Willie Marcial kaya walang problema at sasabak agad ang dalawa sa laro suot ang kanilang mga bagong uniporme.

Si Standhardinger ay mainstay ng pambansang koponan kaya hindi nating pwedeng maitanggi na malaki ang kontribusyon niya sa Beermen, kaya bakit bigla itong napunta sa Batang Pier?

Limang conferences lang ang itinagal ni C-Stan sa Beermen bago tuluyang mai-trade sa NorthPort.

Si Tautau ay top pick noong 2015 ng TNT KaTropa, nitong nakaraang taon lang rin siya nai-trade sa Batang Pier.

Kung credentials ang pag-uusapan ay patas ang trade. Parehas may ibubuga, masisipag at maaasahan. Maganda ang ipinapakita ni Tautua ngayon kaya siguradong malaking factor ito sa target ng Beermen na makuha ang inaasam na ikalawang Grand Slam.

Maaaring may mga tanong ang mga player na involved sa trade, pero wala nang oras para diyan. Ready to play na agad dapat, back to the ball game.

Si Standherdinger ay maglalaro na kasama ang kanyang bagong team sa October 23, makakaharap niya agad ang San Miguel.

Paano ito haharapin ni C-Stan? Sabi ng karamihan, normal game lang ito para sa kanila, pero sa mga fan, ibang tensiyon ang gusto nilang makita.

Exciting ito dahil ngayon makikita natin si C-Stan na kakawala sa shadow ni five-time MVP Junemar Fajardo.

Sa bago niyang team, paniguradong bagong role, baka dito mas mabigyan siya ng maraming playing time.

Isusuot naman ni Tautua ang kanyang bagong uniporme sa Linggo kontra Columbian Dyip.

Malaking adjustment kay Tautua, kung ang star player na si Terrence Romeo ay very well adjusted na, syempre kailangan rin niyang maghabol sa sistema ni Coach Leo Austria.

Basta ako mga ka-Abante, excited ako na mapanood ang dalawang ito suot ang kanilang mga bagong uniporme.

God bless!

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan. Martes, 6pm. Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More