Una sa Balita

Byuting sampaguita vendor sa Quiapo instant celebrity online

0 3,999

ISANG tindera ng sampaguita sa Quiapo, Maynila ang naging viral sa social media dahil sa angking kagandahan.

Ang tindera ay nakilalang si Veronica Rodillas, 20-anyos, at fourth year student na sa kolehiyo.

Kuwento ni Rodillas, matagal na siyang nagtitinda ng sampaguita sa labas ng Quiapo Church upang makatulong sa gastusin ng pamilya.

Bata pa lamang, aniya, ay kasama na niya ang ina sa pagtitinda.

Subalit nagbago ang takbo ng kanyang buhay nang maging viral sa social media ang kanyang larawan na binansagang ‘Sampaguita girl’.

Marami umano ang lumalapit sa kanya para magpa-selfie, imbes na bumili ng tindang sampaguita.

Kahit sikat na siya ngayon, hindi pa rin pumapasok sa kanyang isipan na pumasok sa showbiz kung sakaling may mag-alok sa kanya.

Katuwiran pa niya, prayoridad pa rin niya ang pagtulong sa kanyang ina at sa mga aktibidad sa Quiapo Church.

“Huwag pong makakalimot kung saan tayo nagmula,” diin pa ng dalaga nang ma-interview ng isang television network.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy