Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bye Edward: Maymay ‘pinaliligawan’ kay Donny

0 879

Magwagi kaya ang mga tagahanga na wasakin ang Maymay Entrata at Edward Barber tandem? Magtagumpay kaya sila na mabuo ang Maymay at Donny Pangilinan love team?

Anyway, super trending nga sa Twitter ang ‘Maymay Donny may something’ dahil sa kagustuhan ng mga fan na pagtambalin ang dalawa.

Para sa kanila, dahil single naman si Donny, at ganun din si Maymay, at malabo na ngang magkabalikan on cam sina Donny at Kisses Delavin, kaya ito na ang tamang panahon para pagsamahin naman ang MayDon, ha! Matagal na ngang pinu-push ng mga fan ang tandem na ito, na una nilang nakita noong magkasama ang dalawa sa ASAP.

Kaaliw rina ng mga fan na makabuo ng video na sina Maymay at Donny ang bida. Imagine, nagawa nilang paartehin, na kunyari ay magkaeksena sina Maymay at Donny na ang mga linya ay mula sa Meteor Garden. Yes, push na push sila na ang MayDon ang magbida sa Pinoy version ng Meteor Garden, ha!

Pero giit pa rin ng ibang fan, hindi naman nila sini-ship na maging mag-dyowa ang dalawa, o maging magka-love team na talaga, dahil ang gusto lang talaga nila ay makita ang dalawa na magkapareha sa harap ng kamera, at tingnan na lang daw kung saan aabot.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.