Una sa Balita

Byaherong DOH Secretary, stranded sa CA

By
0 97

Muling ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ng appointment ni Paulyn Rosell-Ubial bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, chairman ng health committee ng CA, kinapos sila ng oras para mapagbigyan ang iba pang miyembro na makapagtanong kay Ubial.

Sa hearing kahapon, ginisa ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III si Ubial hinggil sa mga biyahe sa ibang bansa dahil mula Agosto 2016 ay nasa 15 na ang foreign travels nito.

Depensa naman ni Ubial na pinapayagan sa batas ang kanyang mga biyahe at kalahati aniya nito ay ginastusan ng international groups at non-governmental organizations (NGOs).

“I stay in budget hotels,” pahayag pa ni Ubial nang tanungin sa sinasabing magastos na mga biyahe nito.

Nilinaw din ni Ubial, na hindi bibili ang DOH ng karagdagang condoms ngayong taon hanggang 2018 dahil mayroon pa silang P10 milyon na halaga na naka-stock.

Kasabay nito, nangako si Ubial na gagawin ang lahat ng makakaya upang maglingkod sa bayan.

“I love the DOH. I served it well. I am not afraid of hard work. I am not afraid of 24/7,” pahayag ni Ubial.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy