Una sa Balita

Bwelta kay Calida: “Hold your tongue!”

By
0 5

Inilalagay umano sa kahihiyan ni Solicitor General Jose Calida ang Office of the Solicitor General (OSG).

Ito ang sagot ni Albay Rep. Edcel Lagman sa pagtawag ni Calida bilang “rabble-rousers” at “psychotics” ang Magnificient 7 na naghain ng petisyon sa Korte Suprema para bawiin ang Martial Law sa Mindanao.

“Calida demeaned his office by calling the petitioners “rabble-rousers” and “psychotics,” ani Lagman.

Kasama ni Lagman sa Magnificent 7 na naghain ng kontra sa Proclamation 216 ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, Capiz Rep. Emmanuel Billones, Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat at Caloocan City Rep. Edgar Erice.

“If Calida has not read the 30-page petition or has nothing yet to say traversing its merits, he should hold his tongue and study the case seriously,” banat ni Lagman.

Pinanindigan ni Lagman na tama ang kanilang petisyon na walang dahilan para isailalim sa batas militar ang buong Mindanao at trabaho umano ng mga ito na protektahan interes ng mamamayan.

Hindi rin aniya sinunod ng liderato ng Kamara at Senado ang Saligang Batas na kailangang magkaroon ng joint session para talakayin at maglabas na desisyon as Batas militar, kaya napilitan silang tumakbo sa Korte Suprema.