Una sa Balita

Buyer natatakot, pader ng bahay sa Camella-Villar may crack

By
0 1,127

NABAHALA si Erwin de Luna, isang buyer ng bahay sa Camella Homes, nang makita niyang may dalawang metrong bitak sa pader ang bahay niya matapos umulan nang malakas noong Hunyo 8.

Sabi ni De Luna, noong pagbisita nila ng araw na iyon sa kanyang bahay doon lang niya nakita na may malaking bitak ang pader nito.

Dahil malakas ang ulan, noon lang din niya nakita ang tagimtim ng tubig, delikado ang bitak sa pader ng mga bahay lalo na kung malaki ito dahil maaaring ito pa ang magpaguho dito.

Nasa Block 13, Lot 25 sa Camella Bucandala Phase 2 sa Imus, Cavite ang bahay na tinutukoy ni De Luna.

Ang halaga ng mga bahay sa Camella Bucandala, ayon sa website nito, ay nasa P1.05 milyon hanggang sa P6.2 milyon.

Nakiusap na si De Luna sa Camella na makipag-ugnayan na sa kanyang inhinyero, si Engineer Edgar Montano.

Tinanong ng Abante ang Camella tungkol sa problema sa bahay ni De Luna pero wala itong ibinigay na pahayag.

Ang Camella Homes ay isa sa mga kompanya ng Vista Land & Life­scapes Inc. na pag-aari ng pamilya nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at Senator Cynthia Villar.