Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buy one, donate one

0 117

Sa una, sarap sa tainga.

Parang may pagkalinga sa mahihirap nating kababayan na mabakunahan.

Hindi nga naman biro ang halaga ng isang bakuna. Not once, but twice pa ang pagturok nito.

Kaya naman may nakaisip sa pribadong sektor na sa bawat bibilhin na bakuna tatapatan ito ng isa na donasyon o libre.

Malaking tulong daw ito sa gobyerno.

Pero teka, teka!!!

Sa mga iniikot din na vaccine survey sa mga empleyado ng ilang government agencies, nababanggit din ang ‘buy one. donate one’.

Tanong – papaano namo-monitor o malalaman na ang itinurok sa inyo ay donasyon?

Hindi ba’t dagsa ang reklamo ng marami na nagkaroon ng pasyente ng COVID19 sa iba’t ibang pribadong hospital sa bansa.

Anila ang pinakamalaking singil sa hospital bill ay ang mga PPEs, face mask, face shield at gloves.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang paliwanang ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP), sa bawat bisita ng isang medical frontliner sa isang pasyente kailangan nilang magpalit ng mga gamit na PPEs, mask at face shield at gloves. Di ilang isang beses papasok sa kuwarto ng COVID19 patient ang mga doktor at nurse.

At parang taxi, sa bawat pasok, papatak ang metro.

Unless, na donasyon ang mga ito.

Tanong ulit – papaano malalaman na donasyon ang suot ng mga frontliner?

Sa sistemang ‘buy one. donate one’, halimbawa, 100 million dose ng bakuna ang binili ng isang kumpanya mula sa manufacturer. Ang kalahati ay ibebenta ng gobyerno (nasyonal o lokal) o iba pang pribadong kumpanya at ang natitirang 50 million na dose ang dapat ay donasyon o walang dagdag na gastos sa gobyerno.

Ang tanong kulit – paano mamo-monitor na ang umano’y donasyon na bakuna ay di maibebenta pabalik sa merkado sa mas mahal na halaga pag nahawakan na ng tiwaling kawani?

Sana nga ay mali ako at ito ay dakilang sakripisyo nila para sa sangkatauhan.

Pero makakabuting mabusi ito ng Kongreso para di maabuso.

Bilyun-bilyong piso sa kaban ng bayan ang nakasalalay na naman dito at karapatan ng bawat Pilipino na matiyak na pakikinabangan nila ito.

Walang personalan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.