Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buy bust sa mall, 2 tulak laglag

0 147

Tiklo ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos silang mabitag sa ikinasang buy bust operation sa parking lot ng isang mall kamakalawa sa Caloocan City.

Violation of Section 5 and Section 11 Under Article 11 of R.A. 9165 ang kinakaharap na asunto ng nasakoteng sina Mark Lester Corpuz, 32, at Norman Keith Frago, 32.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kwento ni P/Major Ramon C. Aquiatan, head ng Northern Police District-Drug Enforcement Unit (NPD-DEU) , may ilang Linggo ding under surveilance ang dalawa kaugnay sa pagtutulak nila ng marijuana.

Sa pamamagitan ng kanilang asset, nakumpirma ang report kaya nagkasa na ng drug bust operation ang mga pulis.

Napagkasunduan na ang lugar na abutan ng droga ay sa parking lot ng Victory Mall sa Barangay 72, Zone 7, District 11, Caloocan City at matapos makipagpalitan ng transaksyon sa pulis na nag-under cover ay dinakma sina Corpuz at Frago. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.