Una sa Balita

Buy-bust sa Batangas, 7 nalambat

By
0 1,723

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pito-katao kabilang ang tatlong babae sa drug buy-bust operation sa Villa Anita, Barangay Sta. Clara, Batangas City kamakalawa ng hapon.

Unang naaresto ang umano’y tulak na si Aileen Barredo y Salariosa, 27-anyos, sa kanyang tirahan bandang alas-2:30 ng hapon. Narekober dito ang tatlong sachet ng shabu.

Sa interogasyon, nagresulta ito sa pagkaaresto ng anim pang drug persona­lity na sina Maridel Lontoc y Alberto, Ritchell Tampus y Peñaflor, Reynaldo Ramos y Alog, Ermon Papasin y Yap, Mark Ehijer y Paner, at Ralph John Escobar y Sarmiento.

Narekober naman sa mga ito ang limang sachet ng shabu na nagkakahalagang P25,000.

Nakadetine na ngayon ang mga suspek sa PDEA IV-A jail facility sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) and 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II, RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.