Una sa Balita

Buwisit sa blog ni Mocha ‘wag basahin

By
0 18

May payo ang Malacañang sa mga kritiko na pumupuna sa laman ng blog ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson kaugnay sa mainit na isyu patungkol sa fake news na umiikot sa social media.

Sinabi kahapon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na malaki ang following ni Mocha sa kanyang blog kaya nagiging viral agad at ito ang hindi matanggap ng kanyang mga kritiko.

Kung nabubuwisit aniya sa mga sinusulat sa blog ni Mocha ay huwag basahin para hindi makunsumi.

Abante Hiring – IT dep

“Nagkataon na si Mocha ay may limang mil­yong followers, at ‘yung iba na mga taga-gobyerno eh wala pang limang libo, ‘di ba? So kumbaga nagkataon lang na sikat si Mocha.

So everytime na maglalagay siya ng kanyang komento sa kanyang sariling Facebook account ay nagiging viral, kasi may 5 million followers siya. Ngayon kung nabubuwisit ka sa sinusulat niya, eh huwag mong basahin, ‘di ba? Gano’n lang ang para sa akin,” pahayag ni Andanar.

Kasabay nito nilinaw ng Kalihim na ang blog ni Mocha ay sarili nito at kung ano man ang laman nito ay personal na pananaw at walang kinalaman sa mga ginagawa niya bilang opisyal ng PCOO.

Katulad din aniya ng mga opisyal ng gobyerno at mga ordinaryong empleyado na mayroong Facebook account, hindi inuugnay sa kanilang trabaho ano man ang gusto nilang ilagay o i-post.

“Iyong sarili niyang blog sinabi naman niya na sarili niyang blog iyon, kung ano man ang sinabi niya doon hindi naman nagre-reflect iyon sa PCOO at malinaw naman ‘yon,” ang sabi pa ni Andanar.