Una sa Balita

Buwis-buhay na trabaho! Mga gov’t frontliner may P500 hazard pay kada araw

0 486

Inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng hazard pay sa lahat ng empleyado ng gobyerno na patuloy na nagre-report sa trabaho sa panahon ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Isiniwalat ni dating special assistant to the President at Senador Bong Go, nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang administrative order upang pahintulutan ang pagbabayad ng hazard pay sa government frontliners na nagbubuwis ng kanilang buhay para lamang makapagsilbi sa bayan.

“Let us do what we can to support our government frontliners and other workers on duty. These personnel, who risk their lives during this time, deserve to be recognized and be given proper compensation. They continue to work to protect our families. Let’s do our part to protect theirs,” ayon sa senador.

Aniya, pinahihintulutan sa administrative order ang national government agencies (NGAs), kabilang na ang state universities and colleges (SUCs) at government-owned and -controlled corporations (GOCCs), na magkaloob ng hazard pay sa halagang P500 kada araw para sa mga personnel na pinagrereport sa trabaho sa National Capital Region at iba pang local government units (LGUs).

Ang hazard pay ng mga empleyado ng NGA, SUC at GOCC ay huhugutin sa kanilang pondo.

Maaari rin pagkalooban ng hazard pay ang mga empleyado ng Senado, Kamara, Judiciary, Office of the Ombudsman, LGUs, local water districts, at iba pang constitutional offices. (Prince Golez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More