Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buwenas ang Ginebra

0 192

Talagang panahon ito ng Barangay Ginebra sa PBA, matapos magwagi sa Philippine Cup nitong nakaraan lamang na season, dinomina naman ng team ang PBA Awards.

Enero 17 nang maganap ang nasabing araw ng parangal kung saan nakuha ng Ginebra ang top awards.

Nariyan ang Best Player of the Conference (BPC) na si Stanley Pringle, MostbImproved Player (MIP) na si Prince Caperal at Scottie Thompson na nasungkit ang Sportsmanship Award.

Kung titignan ay talaga namang buwenas ang mga bata ni coach Tim Cone sa Season 45.

Top 1 sa standings, nasungkit ang kampeonato, tinanghal na pinakamagagaling ang ilan sa mga manlalaro ng Ginebra, masasabing ibang klaseng team na sila ngayon na noo’y matagal rin tumambay sa kangkungan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang magandang regalo ito para sa kanilang team governor na si Alfrancis Chua na kaarawan noong Linggo kasabay ng PBA Awards.

Paniguradong masaya ang kaarawan nito at lalo na ang buong team dahil sa dagdag achievement nila.

Malamang masasabi na lang ng ibang koponan na team to beat ang Barangay Ginebra sa parating na Season 46 ng liga.

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, 4pm mula Lunes hanggang Biyernes.

Salamat po. God bless!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.