Una sa Balita

Buwena-mano si Racasa

0 298

NAGPARAMDAM agad ng lakas si Pinay youngest­ WFM Antonella Racasa matapos kalusin si Moe Thu Aung sa round 1 ng 20th ASEAN Age Group Chess Championships sa Mandalay, Myanmar.

Umabot sa 42 moves ng Modern Defense bago nakuha ni 11-year-old Racasa ang panalo kay Myanmar woodpusher Aung.

Nilista ni Racasa ang isang puntos, kasalo siya sa 10-way tie sa top spot kasama ang tatlo pang Pinoy chesser sa Girls 12-Under.

Ang ibang kababayan ni Racasa na nakasiksik sa top spot ay sina Ruelle Canino, Daren dela Cruz at Jersey Marticio.

Makakalaban ni Racasa si Marticio, makakatapat ni Canino si top seed WCM Le Cam Hien Nguyen ng Vietnam habang toka ni Dela Cruz si WCM Nguyen Hoang Thai Ngoc ng Vietnam.

May nine rounds Swiss system ang nasabing event na nilahukan ng 22 woodpushers. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy