Una sa Balita

Buwelta kay FVR: Your time is up!

By
0 154

Imbes na dumaldal at kuwestiyunin ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao, sinabi ng isang senador na dapat manahimik na lang si dating Pangulong Fidel V. Ramos dahil tapos na ang kanyang panahon.

“FVR should just keep quiet because his time is up. He has to respect President Duterte’s decisions and moves,” diin ni Sen. JV Ejercito sa text message sa Abante.

Ayon sa senador, walang dapat ipagmalaki si dating Pangulong Ramos dahil wala siyang nagawa para pigilin ang pamamayagpag noon ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) noong kanyang administrasyon.

Ikinumpara pa ni Ejercito ang ginawa ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada na pinulbos ang MILF noong kanyang administrasyon nang ilunsad ang all-out war sa rebeldeng grupo.

“During President Estrada’s time, the AFP was able to re take more than 30 camps including Camp Abubakar through his all-out war campaign,” pagmamalaki ng senador.

Sa ipinatawag na press conference nitong biyernes ng umaga, binira ni Ramos ang diskarte ni Pangulong Duterte sa paghawak ng sitwasyon sa Marawi.

“I don’t think he is the proper person to advise President Duterte on this matter,” diin ng senador.

Iginiit din ni Ejercito na malaki ang kasalanan ni Ramos kung bakit lumakas ang pwersa ng MILF at iba pang secessionist movements.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy