Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buwan ng Nutrisyon

0 107

(Part 1)

Napakasarap kumain! Ito na ata ang pinakapaboritong aktibidad nating mga Pinoy. Isa na din ata sa kinaugalian, lalo na ng mga ina ng tahanan, ay siguraduing makakain ng maayos ang buong pamilya. Kasama na ang mga kung sino mang bisita, at kung maaari lang ay isasama pa ang buong barangay na mapakain niya. Ito ang maaaring kinagisnan natin, ngunit dito sa ating bansa ay madami pa din ang hindi nakukuhang makakain ng mabuti.


Napakadami pa din, lalo na sa mga bata, na moderate to severely malnourished. Nuong 1974 ay nagkaroon ng Presidential Decree 491 na idineklara ang buwan ng Hulyo na maging Nutrition Month. Ang pangunahing layunin nito ay siguruhing magkaroon ng pangkalawakang pagkamalay ang bawat Pilipino sa halaga ng tamang nutrisyon para sa katawan. Kasama din ang pagpili ng maayos na pagkain, paghanda nito, pati ang tamang oras ng pagkain at ang tamang pisikal na pagkilos at paggalaw. Itinalaga din ang National Nutrition Council na maging pangunahing ahensya na susulong ng kampanyang ito sa buong bansa.

Baga natin talakayin ang malnutrisyon, ano nga ba ang tamang pagkain? Dati ay mayroong tinatawag na food pyramid kung saan pinapakita kung gaano kadami ang pagkain ng mga tinatawag na macro nutrients, ang carbohydrates, protina, at taba. Ngunit dahil sa mahirap sundin, ginagamit na ngayon ang food circle o food plate para mas madaling matantsya ang kinakain sa paghain sa pinggan. Para mas healthy, hatiin sa 2 ang pinggan. Ang kalahati ay hatiin pa sa dalawa. Ang isa ay para sa protina, mas mainam ang isda, manok, beans at nuts, limitahin ang karne. Ang iba naman ay hindi lang basta carbohydrates. Ito ay pinatiyak din. Ang kahati ng protina ay whole grains, tulad ng whole wheat bread o whole grain pasta. Limitahin ang mga refined grains tulad ng white rice at bread. Ang kabilang kalahati ay para sa gulay at prutas. Sa gulay, mas madami, mas maganda, pero hindi kasama ang patatas. Ang prutas naman ay ineenganyong idagdag. Mainam gumamit ng healthy oils tulad ng olive oil para sa pagluto o sa enselada. Huwag gumamit ng butter o mga trans fat. Kinakailangan pa din natin ng kaunting fat dahil may mga bitamina at mineral na nangangailangan nito para mametabolismo. May maliit na bilog pa na katabi ang pinggan at ito ay para sa baso. Ang paginom ng tubig ay napakahalaga. Kahit lumagpas pa ng 2 litro maghapon. Kung kaya, idagdag na din ang isang basong gatas. Sana ay iwasan lang ang paginom ng mga matatamis na inumin.

Simula pa lang ito, ang healthy eating. Abangan sa mga susunod na linggo na talakayin natin ang malnutrition, ang baby led weaning at white coat syndrome, at kung papaano maging kasaya saya ang pag gunita ng National Nutrition Month.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpa-booster!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.