Una sa Balita

Buwan ng Kababaihan

By
0 1,298

Pinagdiriwang po ngayong buwan ng Marso ang National Women’s Month alinsunod sa Republic Act 6949.

Kaugnay nito, tinalakay po natin sa Committee on Labor noong isang linggo ang tatlong panukalang batas na isinusulong natin kasama sina Senador Legarda, Ejercito at Sotto. Pinapaigting po ng mga panukala ang karapatan ng mga babaeng manggagawa lalo na ang mga nanay at mga buntis.

Una, Senate Bill 412 o ang ‘Anti-Sexual Harassment Act’. Hindi na po sapat ang mga probisyon ng kasalukuyang batas laban sa sexual harassment o ang Republic Act 7877 dahil sa pag-usbong ng communications technology.

Nagagawa na po ang sapilitang paghingi ng sekswal na pabor sa loob ng trabaho at mga lugar ng pagsasanay gamit ang cellphone, e-mail at mga social media site. Hindi po sakop ng naturang batas ang mga ipinagbabawal na akto gamit ang electronic device.

Malinaw na sexual harassment po ito kaya’t nananawagan tayo sa DOLE na huwag palampasin ang pang-aabuso at kawalang respeto ng ilang kompanya tulad ng Taiwanese firm na ito sa ating mga kababaihan.

Pangalawa, Senate Bill 892 o ang ‘Anti-Discrimination on Women Act’. Hindi po dapat gawing basehan ang sex o gender sa hiring o firing ng isang manggagawa lalo na kung siya’y isang babae.

Upang matigil ang ganitong kalakaran, nag-pioneer po tayo ng training noon sa TESDA kasama ang Meralco para sa mga linewomen upang patunayang hindi basehan ang kasarian sa mga trabahong puwedeng pasukan ng mga babae.

Sinisiguro rin nating mabibigyan ng mas ma­laking pondo ang TESDA Women Center para mas maraming kababaihan ang makakuha ng wel­ding, automotive, driving at electronics. Gusto po kasi nating mabali ang paniniwala na mga kala­lakihan lang ang kayang gumawa ng ganitong uri ng trabaho. Kung may skills o professional qualifications ang isang babae, lumiliit po ang tiyansang ma-discriminate siya sa trabaho.

Pangatlo, Senate Bill 1203 o ang ‘Work-Friendly Environment for Wo­men Act’. Layunin po nitong pahabain ang maternity leave mula 60 araw hanggang 90 araw. Binibigyan din nito ng opsyon na maiskedyul sa araw at hindi sa graveyard shift ang mga female worker ng mga manufacturing firm na kalimitan ay 24-oras ang operasyon.

Ngayong women’s month at araw-araw, igigiit po natin sa Senado ang dignidad, kalusugan at mga karapatan ng ating mga kababaihan.

Job Fair Schedule

STI College – Iloilo Job Fair
Mission Road, Jaro, Iloilo City
March 19-21
NCGAP Bukidnon Chapter & LGU-Valencia City Job Fair
Valencia City Covered Court
March 20
Zarraga National High School Job Fair
Jalaud Norte, Zarraga, Iloilo
March 20
LGU-PESO Dinalupihan Job Fair
Bulwagan ng Bayan, Dinalupihan, Bataan
March 21
Daet Job Fair
Central Plaza Mall Atrium, Daet, Camarines Norte
March 22-23
PGNE-NEUST Job Fair 2018
Doña Aurora G. Romulo Memorial Hall University Gym, NEUST, Cabanatuan City
March 22
Baliuag University Job Fair
Baliuag, Bulacan
March 22
Kabuhayan Job Fair
Don Enrique National High School
Bago Gallera, Talomo District, Davao City
March 24