Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buto umupo sa trono

0 61

Kuminang si Al-Basher Buto para magkampeon sa 2nd Jessie Villasin Cup online chess tournament na nilaro sa lichess. org nitong Pebrero 20 ng gabi.

Nakakolekta ang 11-year-old Cainta, Rizal resident at tubong Marawi City ng six points mula sa five wins at two draws para magkampeon sa seven-round tourney.

Maagang ipinaramdam ng former Philippine Sportswriters Association, (PSA) awardee ang lakas nang magtala agad ng limang sunond na panalo.

SM food to go Banner Ad

Biktima niya sina Stephanie Jabagat ng Puerto Princesa City, Quarl Vera Cruz ng Misamis Oriental, Oshrie Jhames Reyes ng Santa Rita, Pampanga, Arena Grandmaster Christian Gian Karlo Arca ng Panabo City, at Christian Tolosa ng Imus City.

Nakipaghatian siya ng puntos kina John Curt Valencia ng Dasmariñas City at Gabriel Ryan Paradero ng Pasig City sa sixth-seventh rounds.

Tumapos si Valencia na second sa 5.5 pts. habang si Arca na may inferior tiebreak points ay nalagay sa third na may 5.5 points output din. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.