Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buto ng tao, nakalkal sa Cavite-Laguna expressway

0 184

HINIHINALANG buto ng tao ang natagpuan sa isinagawang paghuhukay sa construction site ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) sa Gen Trias City, Cavite Martes ng umaga.

Sa ulat ni PMSgt Cristopher Dumlao ng Gen Trias City Police Station, alas-11:00 kamakalawa ng umaga habang naghuhukay ang operator ng backhoe para sa itatayong barracks ng mga manggagawa sa gilid ng Ylang-Ylang river sa Brgy Navarro, Gen Trias City, Cavite ay nahukay nila ang ilang piraso ng hinihinalang buto ng tao.

Ang paghuhukay sa lugar ay bahagi ng isinasagawang konstruksiyon ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) na inumpisahan noong July 2019 na may habang 44.63 kilometro.

Hiniling naman ng awtoridad ang tulong ng Provincial Forensic Unit para sa nahukay na mga buto. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.