Buto ng tao nakalkal sa basurahan

By

Labis ang takot ng ilang basurero makaraang mahukay ng mga ito ang buto ng tao sa halip na basura sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa report ni Det. Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, isinuko ng mga basurero ang ilang piraso ng buto na nahukay ng mga ito sa tambak na basura sa kanto ng Dimasalang at Amparo Sts., Sta. Cruz, Manila noong Hulyo 11 dakong alas-4:10 ng madaling-araw subalit kahapon ng alas-4:50 ng madaling-araw lamang nila ini-report sa pulisya.

Sa pahayag ni Joel Rosales, 37, isang garbage collector ng IPM, nangongolekta ito ng basura sa imbakan nang mahalukay nito ang ilang piraso ng buto ng tao kabilang ang bungo na umano’y may ilang buhok pa, ilang buto mula sa itaas at ibabang bahagi na katawan ng tao, at nilagay ito sa isang kahon saka ibinigay kay Barangay Chairwoman Lourdes Egea ng Brgy. 371 Zone 31 na siyang nag-report sa MPD-Police Station 3.

SHARE