Una sa Balita

Buto, Imperial, Aparici babantayan sa ‘Tatluhan’

By
0 251

PINANGUNAHAN nina Al-Basher ‘Basty’ Buto, Genghis Katipunan Imperial at Davao chess prodigy 14 years old John Perkins Aparici ang mga paboritong kalahok sa pagtulak ng Muntinlupa Chess Tatluhan Team Tournament 1950 average ratings sa Linggo na gaganapin sa Villa Constantino Resort Cupang sa Muntinlupa City.

Hinayag naman ni sportsman Vic Ulanday na masisilayan din sa one-day chessfest ang Romblon chess team na sasandal kay 2018 Singapore co-champion Jasper Faeldonia, Cabuyao chess team ni Jolly Smile top honcho dentist Alfredo ‘Fred’ Paez , Gary Legaspi ng Sta. Rosa chess team at may ipapadalang team din si Laurence Wilfred ‘Larry’ Dumadag ng Unesco-DFA.

Inaasahan din ang paglahok ng mga koponan gaya ng Team Kabalyero, Alvin Malla Pavillon Team, Al Basher Buto Team, Jwar Chess team, Jonathan Eugenio Team, Bayanan Ador, Bayanan Mojar, Bayanan Z, Poblacion at Purok I Bayanan Team A.

Ipapatupad ang time control na 20 minutes plus five seconds delay per move via seven round Swiss system kung saan sina dating Bureau of Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas at Vice Mayor Celso Dioko ang mangunguna sa opening rites sa torneong ito na nakataya ang top prize na P20,000 plus trophy. 

Pangangasiwaan naman ng Chess Arbiter Union of the Philippines sa pangunguna nina Alexander Dinoy, Alfredo Chay, Miel Bautista, Edwin Caballero at Respy Orellana ang torneo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy