Una sa Balita

Butler susi ng Blazers pag-alpas sa Wolves

By
0 945

Umiskor ni Jimmy Butler ng 24 points, nagdagag di Jeff Teague ng 22, at nilapa ng Minnesota Timberwolves ang bumisitang Portland Trail Blazers 120-103 Linggo ng gabi. 

Tumapos si Karl-Anthony Towns ng 20 points at 11 rebounds para sa T’Wolves, hindi natalo sa limang sunod na laro sa sariling lungga. 

Ilan sa biktima ng Wolves sa five-game home stand ang playoff contenders Cleveland, New Orleans at Oklahoma City. 

Ito ang unang 5-0 win ng Wolves sa sariling teritoryo sapul noong 2001. 

Lumayo ng hanggang 26 ang Wolves para ipatikim sa Blazers ang pangatlong sunod na semplang. 

May 21 points si Damian Lillard, tig-18 sina CJ McCollum at Pat Connaughton sa Portland. 

Umabante ng lima ang Portland sa kaagahan ng laro at natapos ang first quarter na nasa unahan 33-31. 

Nanlamig sa second ang Blazers, nagkasya lang sa 10 points sa period at nagsimulang kumalas ang Minnesota. 

Ilang beses pinamigay ni Lillard ang bola, nasa pangalan niya ang anim sa 18 total turnovers ng Portland. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy