Una sa Balita

Butler sa Philadelphia 76ers na

By
0 516

NATUPAD na ang pangarap ni Jimmy Butler na makawala sa Minnesota.

Pinamigay na raw ng Timberwolves si Butler sa Philadelphia 76ers kapalit nina Robert Covington, Dario Saric, Jerryd Bayless at 2022 second pick.

Unang binasag nina Shams Charania at Jon Krawczynski ng The ­Athletic ang balita na kinumpirma na rin ng iba pang ulat.

Sa pagdating ni Butler, nabuo ang Big Three ng Sixers kasama ng dadatnan niya roong sina Joel Embiid at Ben Simmons.

Muntik pang hindi lumaro si Butler nang dayuhin ng Wolves ang Sacramento noong Biyernes habang inaayos ang Philadelphia deal. Naplantsa ang deal bago umalis ng Sacramento ang Timberwolves bitbit ang 121-110 panalo.
May 13 points, 8 rebounds at 8 assists si Butler kontra Kings.

Offseason pa ay nag-request na ng trade si ­Butler sa Minnesota, natagalan lang dahil hinanapan ng Wolves ng sakto sa kanilang pansalang kapalit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy