Una sa Balita

Butler pupunan ang sapatos Ni Wade

0 383

Key Players: Jimmy Butler (via trade), Goran Dragic, Kelly Olynyk, Justice Winslow, Bam Adebayo

Roster: Udonis Haslem, Dion Waiters, James Johnson, Derrick Jones Jr., Kendrick Nunn, Duncan Robinson, Chris Silva, Kyle Alexander, Davon Reed, Jeremiah Martin, Mychal Mulder

Key Additions: Tyler Herro (13th overall pick in 2019 Draft), KZ Okpala (32nd overall pick in 2019 Draft), Leonard Meyers (trade), Daryl Macon (trade)

Rank: 10th

Last Season’s Record: 39-43

Head coach: Erik Spoelstra

MALAKING kawalan sa Miami Heat ang pagretiro ni NBA superstar Dwyane Wade.

Matatandaan nitong last season, nag-farewell tour si Wade para sa kanyang ‘One Last Dance’ sa liga, ngunit bigong miakay ang koponan sa playoffs sa huling pagkakataon.

Bagama’t hindi na makakasama pa si Wade, aakayin naman ni 4-time All-Star Jimmy Butler ang koponan sa kanyang pamumuno.

Maikli man ang naging oras ni Butler para sa dati nitong koponan na Philadelphia 76ers, nagtala naman ito ng 18.7 points, 5.3 rebounds at 4.0 assist average na makakatulong para sa Heat.

Inaasahan na magpapasiklab rin ngayong season sina Meyers Leonard, Daryl Macon, rookies 13th overall pick Tyler Herro at 32nd overall pick KZ Okpala.

Gumawa ng ingay si Herro nitong NBA Summer League habang ibang klaseng athleticism naman ang ipinapakita ni Okpala na tunay na kinaaabangan ng lahat.

Kasama pa rin sina Justise Winslow na may average na 12.6 points per game, 5.4 rebounds, at 4.3 assists, Goran Dragic na nagtala ng 13.7 points, 3.1 rebounds, 4.8 assists, at Kelly Olynyk na may 10.0 points, 4.7 rebounds at 1.8 assist asahan na lalaban ang mga ito ngayon season. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy