Una sa Balita

Butler nambulabog sa T’wolves sa pasabog sa OKC Thunder

By
0 1,467

Nambulabog si Jimmy Butler ng 26 puntos at walong assists, Miyerkoles ng gabi, at niransak ng Minnesota Timberwolves ang nanlupaypay na Oklahoma City 104-88, hinatag sa Thunder ang ikatlong sunod na kabiguan.

Tumusok si sentrong Karl-Anthony Towns ng 18 points at 12 assists para sa Timberwolves na nilaro ang kanilang ilang galing sa basketball sa 72nd season at may tatlong sunod na ma­tinding panalong magkasunod sa kuwadra.

“When we start to compete on the defensive end like that we are tough to beat,” ani Butler.

Naglitanya si Butler, nasa kanyang unang season sa Minnesota matapos magserbisyo mula Chicago Bulls, ng puntiryang maging isa sa beteranong lider sa bagitong tropa.

“Last year this team didn’t understand how important every possession is,” aniya.

Humakot si Andrew Wiggins ng 19 points sa 42 minutong paglalaro para sa Timberwolves.

May game-high si Thunder star Russell Westbrook na 38 points at 10 rebounds pero hindi nakahingi ng sapat na ayuda sa kanyang mga kabaro. Patuloy na hirap si Carmelo Anthony na maitono ang kanyang bagong team kahit nakapagtampisaw ng 15 points at isang rebound.

Si Paul George ang tanging isa pang Thunder player na may double figures, 13 points kung saan sinalok panlimang talo ng Oklahoma City sa huling pitong asignatura.