Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Butler, Heat sinunog Celtics

0 78

NAKIKIPAGTANTIYAHAN lang sa first three quarters ang Miami bago tinapakan ang silinyador sa fourth para ipagpag ang Boston 121-100.

Tinapos ng Heat ang preseason sa 5-1, even 2-2 ang Celtics.

Nagliyab ng 29 points si Tyler Herro, sumegunda ng 25 si Jimmy Butler at may 16 si Bam Adebayo sa Miami.

Hindi na masamang 71 points mula sa Big 3 ni coach Erik Spoelstra, kahit naka-4 points lang si Kyle Lowry.

Mainam ang 22.4 points na average ni Herro sa limang tune-up games.

Nagtistis ng 23 points si Jayson Tatum sa Boston, dinagdagan ng 18 ni Romeo Langford mula sa 7 of 9 shooting.

Wala pa rin ang dalawang regulars sa rotation ng Celtics na sina Al Horford at Jaylen Brown, parehong nasa ilalim pa ng health and safety protocols ng liga.

Sinuspinde rin ng Celts si Marcus Smart bilang parusa nang hindi makasabay sa team flight noong isang araw. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.