Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Butler halimaw, Heat buhay pa

0 63

AYAW pang bumigay ni Jimmy Butler at ng Miami.

Iniinda ang namamagang tuhod pero nag-start din si Butler at nagpakalat ng 47 points mula 16 of 29 shooting at tinalo ng Heat ang Celtics 111-103 Biyernes ng gabi sa TD Garden sa Boston.

Ibinuhol ng Heat ang East finals sa 3-3, babalik ng Miami para sa winner-take-all Game 7 sa Lunes (araw sa Manila).

“This is the way it should be, with these two teams,” ani Heat coach Erik Spoelstra. “It should have gone seven games.”

Kinamada ni Butler ang 17 points niya sa fourth quarter, perpekto sa 11 free throws at may palamuti pang 9 rebounds at 8 assists.

Inagaw ng Celtics ang manibela 97-94 sa 3 ni Derrick White, sumagot ng tres din si Kyle Lowry bago dinagdagan ng dalawang free throws. Nilista ng Miami ang 11 sa sumunod na 13 points.

Tumapos si Lowry ng 18 markers at 10 dimes.

Kinapos ang 30 points ni Jayson Tatum at 22 ni White sa Boston, humugot pa ng 20 markers kay Jaylen Brown. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.