Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Butler, Adebayo kayod kalabaw

0 222

SABWATAN sina Jimmy Butler at Bam Adebayo upang akbayan ang Miami Heat sa 118-110 panalo laban sa Sacramento Kings kahapon sa 2020-2021 National Basketball Association (NBA) regular season.

Parehong triple-double ang nirehistro nina Butler at Adebayo para sa Eastern Conference defending champion Heat.

Kumana lamang ng 13 points si Butler pero may sahog itong 13 assists at 10 rebounds, si Adebayo ang halos komontrol ng laro sa naitalang 16 markers, 12 boards at 10 assists kaya naman gumanda nang bahagya ang karta ng Heat sa 12-17 panalo-talo.

Maagang kumulo ang opensa ng Miami nang hawakan nila ang 14-point lead, 57-43, sa halftime.

Inalagaan na lamang ng Heat ang malaking bentahe sa second half upang iselyo ang panalo at ipalasap sa Kings ang pang-16 na talo sa 28 salang.

Ayon kay Fil-American Miami Heat head coach Erik Spoelstra, naging sandata nila ang kanilang kabiguan bago ang laban nila sa Kings.

“I think oftentimes in this league,” ani Spoelstra, “when you have a really tough, disappointing loss, the best thing to do is to play 24 hours later, and just get back at it against a different opponent and get right back to the competition.” (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.