Una sa Balita

Butiki ginamit na espiya kontra Iran

0 2,234

Ibinunyag ng dating chief of staff ng armed forces ng Iran nitong Martes na ginamit ng ilang bansa ang butiki para maging espiya sa kanilang ‘nuclear programme’.

May kakayahan umano ang mga butiki na matukoy ang ‘atomic waves’ sa isang bansa.

Isiniwalat ito ni Hassan Firuzabadi, senior military advisor kay supreme leader Ayatollah Ali Khamenei, bilang sagot sa tanong ng local media hinggil sa pagkakaaresto ng environmentalist.

Hindi umano niya alam ang detalye ng kaso subalit kalimitang ginagamit ng mga kanlurang bansa ang turista, scientist at environmentalist upang mag-espiya sa Iran.

“Several years ago, some indivi­duals came to Iran to collect aid for Pa­lestine… We were suspicious of the route they chose,” wika nito sa reformist ILNA news agency.

“In their possessions were a variety of reptile desert species like lizards, chameleons… We found out that their skin attracts atomic waves and that they were nuclear spies who wanted to find out where inside the Islamic republic of Iran we have uranium mines and where we are engaged in atomic activities,” dagdag pa niya.

Nauna rito ay lumabas ang balita na ang nangungunang Iranian-Canadian environmentalist na si Kavous Seyed Emami, ay namatay na sa kulungan matapos itong maaresto sa pang eespiya kasama ang iba pang miyembro ng wildlife NGO noong nakaraang buwan.