Una sa Balita

Butch nanawagan ng pagkakaisa

0 304

PORMAL nang bubuksan ang 30th Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas simula ngayong araw at magtatapos sa Disyembre 11.

Kaya naman nanawagan si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Philippines Chief of Mission William ‘Butch’ Ramirez na magkaisa ang lahat para mabigyan ng karangalan ang bansa.

“We will have 11 days of competition, and I can see the 1,496-strong Phili­ppine contingent fighting it out with their every breath and exerting their effort to the last drop of their sweat to bring honor to this country, in front of their very own blood and flesh,” saad ni Ramirez.

“Mga kababayan, magkaisa tayo para sa ating bansa, wala na tayong ibang bayan kundi Pilipinas lang. Can we focus and get united for these 11 days to support our Team Philippines in the biggest fight of of their lives.”

Ayon pa kay Ramirez, sa limang facilities na nirenovate para gawing venue ng pito sa 56 sports ay na turn-over na at puwede nang gamitin anumang oras, may walo pang (non-SEAG) facilities sa different phases ng construction, refurbishment at repairs.

Nagsanib-puwersa ang Philippine Olympic Committee at ng Philippine SEAG Organizing Committee (Phisgoc) para suportahan ang mga atleta sa simula pa ng taon.

“We may have different­ styles of manage­ment but we have all resolved a long time ago to put all differences aside and move as one, united in the goal to deliver a good hosting and field a delegation that will really showcase our race of heroes,” ani Ramirez.

Ang opening ceremony ng 2019 SEA Games ay magaganap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan habang nasa New Clark City ang cauldron ng SEA Games na sisindihan. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More