Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Butch buwena-mano sa PSA Online Forum

0 173

IWE-WELCOME ng Philippine Sportswriters Association ang 2022 sa pamamagitan ng pagdalo ng Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez sa PSA Online Forum ngayong araw, Jan. 11.

Hihimayin ni Ramirez ang plano at programa ng ahensiya para sa papasok na taon kasama ang partisipasyon ng Pilipinas sa 31st SEA Games sa Hanoi at 19th Asian Games sa Huangzhou.

Babalatan din ang mediation ng PSC sa isyu nina pole vaulter EJ Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association.

Magsisimula ng 10 am ang Forum na hatid ng San Miguel Corp., Milo, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, PAGCOR at bagong social media at broadcast partner na Prime Edge.

Naka-livestream ang public sports program sa fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 Facebook page. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.