Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Butch buhos sa mga atleta

0 56

HANOI, Vietnam — Sukatan sa mga atleta ang 31st Southeast Asian Games 2022 dito para sa 32nd SEA Games 2023 sa Phnom Pehn, Cambodia, ihahayag na bagong petsa sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China at 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France.

“We are expecting that the SEA Games will be a great exposure for our athletes going to the Asian Games up to the Olympics just like what we did last time,’’ lahad Linggo ni Philippine Sports Commission Chairman William ’Butch’ Ramirez sa Maynila sa pagmonitor sa Team Pilipinas sa SEAG.

Kaya ‘di tumitigil ang PSC sa pagkakaloob ng pinansiyal na suporta para sa mapuwersang 980-katao delegasyon sa kasagsagang 11-bansa, tuwing dalawang taong paligsahan na rito’y kumakasa ang 641 atleta sa 38 sports.

Kinopo ng ‘Pinas ang unang medalyang ginto sa 32nd Tokyo Olympics noong isang taon sa pamamagitan ni weightlifter Hidilyn Diaz, makalipas gastusan din ng ahensiya sa sports ang pagsabak ng bansa sa 2018 Jakarta Asiad at sa tinaguyod na 2019 SEAG.

“Our medalists who will go through qualification for the 2024 Olympics will get the preparation that they need here in the SEA Games, in the Asian Games and other high-level international games,’’ hirit ng opisyal.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.