Una sa Balita

Butata ni Chandler sumagip sa Lakers

By
0 588

PINAPOGI ng last-second block ng bagong saltang si Tyson Chandler ang matikas na performance ni LeBron James.

Idinakdak ni James ang winning basket 15 seconds sa laro, bago binutata ni Chandler ang driving layup ni Trae Young para ipreserba ang 107-106 win ng Los Angeles Lakers kontra Atlanta Hawks Linggo ng gabi.

Humiyaw si James bago niyakap si Chandler pagkatapos ng panlimang panalo ng Lakers sa huling anim na laro.

“I find myself acting like a kid in a candy store again,” ani Chandler, mahusay na nagampanan ang papel sa depensa sa unang tatlong laro sa kanyang bagong team matapos bitawan ng Phoenix.

Hindi marinig ni Chandler si James, nalunod ang sinasabi sa hiyawan ng fans sa Staples Center.

“I said, ‘That’s my dawg,’” sigaw ni James sa locker room.
Umiskor si James ng 26, nagdagdag si Kyle Kuzma ng 18. May tatlong blocks si Chandler.

Itinabla ng layup ni Kuzma ang iskor sa 104-104, 1:34 pa. Napituhan ng technical si Kent Bazemore sa paninigaw sa referee pagkatapos ng play, ibinaon ni Kuzma ang free throw tungo sa 105-104 lead.

Nasa unahan muli ang Hawks sa dakdak din ni Vince Carter 106-105.

“Vince is every bit of half man and half amazing,” ani Atlanta coach Lloyd Pierce sa kanyang veteran guard. “Who knew he’d still be able to impact games at 41 years old?”

Na-foul si LeBron sa kabila pero walang naipasok. Hinablot ng Lakers ang offensive rebound, ilang beses tinapik ang bola pero hindi maipasok sa rim. Mula kaliwa ay sumagasa sa paint si Kuzma sa gitna ng tatlong defenders pero mintis din.

Nakaabang si James sa kanan, dinakdak 107-106.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More