Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Butata ni Adebayo sandigan ng Heat

0 75

MAUUWI sana sa ikalawang overtime ang Game 1 ng best-of-seven Eastern Conference Finals sa pagitan ng Miami Heat at Boston Celtics.

Hindi ito pinayagan ni Bam Adebayo.

Lumipad para sa isang slam dunk si Celtics small forward Jayson Tatum pero sinalubong siya sa ere ni Adebayo para sa solidong supalpal at naipreserba ng Heat ang 117-114 overtime win laban sa Boston Celtics kahapon sa Game 1 ng 2019-2020 NBA Eastern Conference Finals.

Dalawang clutch three-point ang sinalpak ni Jimmy Butler upang akbayan ang Heat sa 1-0 bentahe.

Tumikada si Butler ng 20 points at tig-limang rebounds at assists para sa Miami, na bahagyang lumakas ang tsansa sa asam na makalaro sa championship.

May 22 segundo sa fourth quarter nang kumana si Butler ng tres para makalamang ng isang puntos, pero nauwi pa rin sa overtime.

Muling tumikada ng tres si Butler sa extra period para ilagay muli sa tuktok ang Heat, 116-114, may 12 segundo na lang sa orasan.

May tsansa sanang magkaroon ng second OT pero binutata ni Adebayo si Jayson Tatum.

Namuno sa opensa para sa Heat si Goran Dragic na may 29 markers habang may 20 at 18 puntos sina Jae Crowder at Adebayo, ayon sa pagkakasunod.

Si Tatum ang nanguna sa Celtics na may 30 marka at 4 boards. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.