Una sa Balita

Butata kay Del Potro

0 9

Pinigilan ni Juan Martin del Potro ng Argentina ang inaabangang US Open semis match sa pagitan nina five-time champion Roger Federer ng Switzerland at Rafael Nadal.

Ang Argentine giant, wagi ng kanyang tanging Grand Slam title noong 2009 nang talunin ai Federer sa finals matapos tigpasin si Nadal sa semis, ay pinatalsik ang Swiss legend, 7-5, 3-6, 7-6 (10/8), 6-4 sa harap ng nagulantang na crowd sa Arthur Ashe Stadium, Huwebes (Manila time).

At muling maghaharap ang 28-anyos na si Del Potro at Nadala, world’s number one players, sa semifinals sa Biyernes.

Si Nadal, na mapapanatili ang kanyang number one status kasunod nang pag-exit ni Federer, seeded third, ay tinalo si Russian teenager Andrey Rublex, 6-1, 6-2, 6-2 sa loob lamang ng 97 minuto.

“I served really good. I hit my forehand as hard as I could and I played a great match. I deserved to win,” komento ni Del Potro, na nasa kanyang unang Slam semis sapul noong 2013 Wimbledon.