Una sa Balita

‘BUST’ NI ANNE, APAW SA KARAHASAN!

By
0 9

Bago nagsimula ang screening ng Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz, ipinakita ang teaser ng Buy Bust, ang upcoming movie ni Erik Matti na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Day 3. BuyBust. We shot for almost 24 hours yesterday with The Special Forces Regiment, Philippine Army. A shoot I'll never forget. It was very tiring but WHAT. AN. EXPERIENCE. My body is in extreme pain but it was all worth it. So grateful to be given this opportunity. Maraming Salamat sa lahat ng mga sundalo, babae at lalaki, na nakasama namin kahapon. Salamat po sa guidance, skill at advice na naibahagi nyo sa amin. Hindi ko makakalimutan lahat ng mga kwentuhan natin na hanggang madaling araw. Sana makabalik ako to train with all of you again! Wearing the t-shirt you gave me with pride today on Showtime. Maraming Salamat po. I witnessed and learnt first hand all the training you endure to be the best to protect and serve your fellow countrymen and country. Init, pagod, walang tulog at malayo sa pamilya. Saludo po ako sa inyong lahat! 🇵🇭 • • • Thank you Direk @erikmatti • @dondonmonteverde • #BuyBust

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Ibang Anne ang mapapanood sa Buy Bust dahil literal na palaban siya sa pakikipag-away sa mga kontrabida. Sagana sa violence ang teaser ng Buy Bust dahil sa mga eksena ng paulit-ulit na pagsaksak ni Anne sa mga kalaban niya at ang pagsirit ng dugo.

Sa teaser pa lang, hindi talaga puwedeng panoorin ng mga bata ang action movie ni Anne na umaapaw sa karahasan. 

ERWAN HEUSSAFF, UMANI NG BATIKOS
SA ‘NO TO UNLI-RICE’!

Parang artista na nag-trending si Senator Cynthia Villar dahil sa panukala nito na ipagbawal sa mga fastfood ang unlimited o unli rice na “death sentence” para sa mga kababayan natin na malalakas kumain ng kanin.

Nakakatawa at hindi nakakairita ang reaksyon ng publiko laban sa pahayag ni Senator Villar na “Ipagbawal na ‘yang unlimited rice, masama ‘yan. Pagbawal na natin ‘yang unlimited rice kasi nagkakasakit tayo gawa ng unlimited rice na ‘yan. We should learn how to eat vegetables.”

Ginamit ng mga basher sa memes ang litrato ni Jodi Sta. Maria at ng ibang mga artista sa pagkontra nila sa anti-unli rice stand ni Senator Cynthia Villar. Damay sa hinanakit ng unli rice eaters ang boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff dahil nakahanap umano ito ng kakampi sa katauhan ni Senator Villar.

Tulad ni Senator Villar, naging biktima ng bashing si Erwan dahil hindi ito pabor sa pagkain ng maraming kanin.

“A lot of the hate I got was because of a comment about rice I made. I told people that one portion is fine, but do you really need multiple portions per day (especially if you’re not doing physical labour).

“I’m not saying that because I hate rice. I just believe that people should eat what they need and most people don’t need the amount of energy 3 cups of rice will give you in a day,” ang sabi ni Erwan na umani ng violent reactions mula sa unli rice addicts.