Una sa Balita

Business, realty tax sa Makati walang penalty

0 1,352

Isang magandang balita sa mga tax payer, dahil pinalawig ng pamahalaang lungsod ng Makati ang pagbabayad ng mga business at realty tax na walang penalty.

Ang hakbangin ng pamahalaang lungsod ay alinsunod sa naapruba­hang City Ordinance No. 2019-004.

Ayon kay Makati City Mayor Abigail ‘Abby’ Binay, ang bagong deadline para sa mga assessment ng business permit nang walang penalty ay sa Enero 25.

Habang hanggang alas-singko naman nang hapon ng Enero 31 ang deadline sa pagbabayad ng mga business at realty tax nang wala ring penalty.

Kaugnay nito ay hinikayat ng alkalde ang mga taxpayer na bigyang prayori­dad ang pagbabayad­ ng buwis at pagpapa-renew ng business permit upang maiwasan ang penalty at makakuha ng diskuwento ang mga ito.

Nabatid, na alinsunod sa Revenue Code ng lungsod ng Makati, ang mga late payment ay pinapatawan ng 25 percent surcharge at two percent interest kada buwan hanggang sa araw na mabayaran ito nang buo.

Kung kaya’t inatasan ni Binay ang mga authorized frontline office, na maglaan ng karagdagang oras ng serbisyo para sa mga mag-re-renew ng permit at magbabayad ng buwis hanggang Enero 31 ng taong kasalukuyan. ­(Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy