Una sa Balita

Business industry babagsak sa 1 buwan pang lockdown – Concepcion

0 555

Nagbabala si presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na hindi na kakayanin ng mga negosyante ang pagpapatupad ng ikalawang lockdown sakaling hindi pa rin humupa ang problema sa coronavirus pagsapit ng Abril 13.

“We have to go back to manufacturing,” giit ni Concepcion sa interview ng himpilang DZBB.

“We cannot go back again to lockdown,” dagdag pa niya.

Dapat aniyang alagaan din ng pamahalaan ang banking system dahil malaking problema ito kapag nagsara ang ilang bangko.

“Dapat alagaan ang bangko, baka may mag-collapse na bangko,”

Aniya, limitado ang pondo ng pamahalaan para tulungan ang mga apektadong negosyo sa bansa, hindi katulad sa Estados Unidos na naglaan ng 2 trilyong dolyar na stimulus package.

Ang enhanced community quarantine sa buong Luzon ay pinatupad ni Pangulong Duterte mula noong Marso 16 hanggang Abril 13 upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Concepcion na para maging epektibo ang pinatupad na Luzon-wide quarantine, dapat ay suriin lahat ng mga tao.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More