Una sa Balita

Bus vs bus: 3 dedo

By
0 88

Pinangangamba­hang hindi bababa sa tatlong katao ang nasawi sa naganap na salpukan ng da­lawang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa Brgy. Cawag, Subic Zambales.

Dead on the spot ang mga driver na sina Roque Gallardo ng Zamodca bus at Ramil Valmocina ng Ange­lica bus na may plakang CXS 921 at ang pasaherong nakilalang si Eugene Baccay, empleyado ng Hanjin sanhi ng mga tinamong malaking pinsala sa katawan at ulo habang magkakasunod namang isinugod sa San Marcelino Hospital ang iba pang biktima upang lapatan ng lunas.

Sa panayam ng Abante sa saksing si Danica Tristeza, bandang alas 5:20 ng madaling-araw kahapon nang mangyari ang aksidente nang mula umano sa kurbada at pababang bahagi ng kalsada na sakop ng Brgy. Cawag ay dire-diretsong sumalpok ang Ange­lica bus sa papaahon naman na Zamodca bus na may lulan na aabot sa 55 pasahero na karamihan umano ay trabahador ng kumpanyang Hanjin.

Dahil umano sa bilis ng pangyayari ay hindi na nagawang makaiwas ng parehong driver hanggang sa tuluyang magsalpukan ang kanilang mga minamanehong bus.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy