Una sa Balita

Bus tumaob: 5 senior citizen sugatan sa Cavite

By
0 564

MASUWERTENG nasu­gatan lamang ang pitong katao na karamihan ay mga senior citi­zen nang tumaob ang sinasak­yang pampasaherong bus matapos na mawalan ng kontrol ang manibela at tumama sa center island sa Dasmariñas City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Asia Medic Hospital at nasa ligtas nang kalagayan sina Dolores Flores, 67-anyos, ng Parañaque; Renato Valerio, 66, at asawa nitong si Victoriana Valero, 66, kapwa residente ng Pulang Lupa, Las Piñas; Rolando Lacap, 68, at asawa nitong si Norma Lacap, kapwa residente ng Ta­lon 2, Las Piñas; Florito Toling, 43, ng Dasmariñas City, Cavite at isang alyas ‘AJ’, ng Imus City, Cavite.

Hawak na ng pulisya ang driver ng Higer bus na may plakang 137802, na si Guillemo Caymo, 42, ng Brgy. Dagatan, Amadeo, Cavite.

Sa ulat ni PO3 Donato Almenario ng Dasmariñas City Police Station, binabagtas ng pampasaherong bus na may sakay na humigit-kumulang sa 60 katao, na minamaneho ni Caymo, ang kahabaan ng Agui­naldo Highway, Brgy. Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite dakong alas-2:30 kamakalawa nang madaling-araw nang pag-apak ng driver sa brake ay lumihis ito sa kaliwang direksiyon dahil umano madulas ang kalsada bumangga sa center island at posteng ilaw saka ito tumaob.

Dahil sa pagkakabangga sa poste ng ilaw bumagsak ito at tumama sa isa pang sasakyan na Nissan Navara (TXQ 364) na minamaneho ni Kristopher Re Javen Acantilado, 34, ng Imus City, Cavite.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy