Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bus sa Nepal sumalpok, 28 dedo

0 61

Malagim ang naging huling sandali ng 28 katao habang marami ang sugatan makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang bus sa north-west Nepal.

Nabatid na karamihan sa mga biktima ay nanggaling muna sa Dashain religious festival bago maganap ang sakuna.

Sa ulat, lumilitaw na sumalpok ang bus sa gilid ng bundok na naging dahilan ng pag-crash nito.

Dahil naman sa senaryo at grabeng pinsala ng mga biktima ay kinailangan pa silang ma-airlift sa kalapit na ospital para agad na malapatan ng lunas.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam din kung ilan talaga ang pasahero ng naaksidenteng bus.

Napag-alamang hindi lang ito ang kaso ng road accident sa Nepal kundi marami na dahil sa kondisyon ng mga kalsada bukod pa sa pagbiyahe ng mga pumapalya nang sasakyan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.