Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bus pinasambulat sa stopover

0 194

Tatlong pasahero ang sugatan matapos na sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa loob ng pampasaherong bus habang nakaparada ito sa gilid ng kalsada sa Parang, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima kung saan, isa rito ay isang babae na agad dinala sa Parang District Hospital.

Sinabi ni Lt. Col. Joseph Macatangay, hepe ng Parang Municipal Police Station (MPS) na nakaparada umano ang Rural Tours Bus na wala pang isang kilometro ang layo mula sa regional headquarters ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) sa Brgy. Making nang mangyari ang insidente bandang alas-8:45 ng umaga.

Nag-stop over umano ang bus galing sa Cotabato City na patungo sa Dipolog para mag-almusal ang mga pasahero.

Nagmula aniya sa likurang bahagi ng bus ang malakas na pagsabog kung saan agad na nahagip ang mga biktima na nakaupo malapit dito.

Sa ngaon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa pagsabog ng nasabing bus habang wala pang grupong umaako sa naturang pagpapasabog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.