Una sa Balita

Bus ng hockey team sa Canada sinalpok ng truck, 14 tigok

0 6,034

PATAY ang 14 katao sa salpukan ng tractor-trailer­ at bus na sinasak­yan ng buong junior league hockey team nitong Biyernes sa Western Canada.

Patungo sana ng Nipawin, Saskatchewan ang mga miyembro ng Humboldt Broncos nang maaksidente sa kanlurang bahagi ng Tisdale.

Sugatan naman ang 14 pasahero at dinala sa hospital, tatlo dito ay nasa kritikal na kondis­yon.

May kabuuang 28 pa­sahero ang bus, kabilang ang driver, nang maaksidente.

Wala pang impormas­yon kung ang mga biktima ay player o coach ng hockey team.

“Our thoughts and prayers are extended to the families of our staff and athletes as well as to all who have been impacted by this horrible tragedy,” ayon kay Kevin Garinger, team president sa inilabas na statement.

Sasabak sana sa playoff ang team laban sa Nipawin Hawks.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa mga biktima ng aksidente.

“I cannot imagine what these parents are going through, and my heart goes out to everyone affected by this terrible tragedy, in the Humboldt community and beyond,” ayon sa tweet ni Trudeau.