Una sa Balita

Bus nahulog sa bangin: 3 patay, 4 sugatan

0 266

TATLO ang patay habang apat na iba pa ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus, Sabado nang umaga sa bayan ng Alicia, Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat ng opisyal ng pulisya kahapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na nagtamo ng mga grabeng pinsalasa ulo at katawan na sina Gerudes Bayan, 73-snyos, Salma Mualam, 35, at Rina Mualam, 14.

Samatala, sugatan naman ang apat na iba pa na kasalukuyang ginagamot sa ospital na sina Sapia Jarol, 62, asawang si Karim, 62, Victor Antiampo, 62, at Medivina Antiampo, 55-anyos.

Sa ulat na ipinadala kahapon ni Police Major Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong alas-7:10 nang umaga sa kahabaan ng Zamboanga-Pagadian highway sakop ng Barangay Lutiman, Alicia ng nasabing lalawigan.

Nabatid na binabagtas ng pampasaherong Lizamay Express bus ang nasabing kalsada kung saan mayroon gitong 45 pasahero galing ng Oluntanga patungo ng Zamboanga Sibugay proper ng mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber nitong si Noriel Andico, 41, dahilan upang magtuloy-tuloy na mahulog sa bangin ang bus.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries and damage to property ang drayber ng bus na ngayon ay kasalukuyang nakaditine sa Alicia Municipal Police Station (MPS) detention cell. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy