Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bus nag-dive sa tulay; 2 baby, 29 pa nadale

0 154

SUGATAN ang 31 katao kabilang ang dalawang baby at 15 pang menor de edad na sakay ng isang baby bus nang mahulog sa tulay at pababang bahagi ng kalsada sa Ternate Cavite, Linggo ng hapon.

Unang isinugod ang 31 biktima na pawang taga-South Morning View Subd., Timalan, Balsahan, Naic, Cavite sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic at Cavite Municipal Hospital sa Maragondon subalit inilipat sa Gen Emilio Aguinaldo Hospital sa Trece Martires City. Ang driver naman ng baby bus [DXE 277] na si Oscar Mamatan Jr ay inilipat sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila dahil sa mga sugat sa katawan.

Sa ulat ni PMSgt Alfredo Guevarra Jr ng Ternate Police Station, alas-5:00 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente habang sakay ang 30 pasahero sa baby bus na minamaneho ni Mamatan.

Ang mga pasahero ng baby bus ay galing sa isang beach sa Patungan at pauwi na nang pagsapit sa palusong na bahagi ng kalsada sa Gov. Drive, Sapang 2 Bridge, Ternate, Cavite ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at bumulusok sa tulay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.