Una sa Balita

Bus bumangga sa Star Tollway, 14 pasahero sugatan

By
0 830

LABING-APAT na pasahero ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang bus sa Balete Toll Gate ng Star Tollway sa Batangas kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt Peter Dionisio, Chief ng Region 4A Highway Patrol Unit, bandang alas-5:25 ng umaga, galing Batangas City at patungong Cubao lulan ang 45 pasahero, binabaybay ng Alps Liner na may plate number AIA-7313 ang kahabaan ng Star Tollway nang makatulog umano ang driver na si Marlon Antenor.

Ito ang dahilan kaya sumalpok sa sub office ng Balete Toll Plaza ang bus.

Kabilang sa mga nasugatan na isinugod sa Metro Lipa Hospital at Mary Mediatrix Medical Center ang driver at konduktor ng bus.