Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buryong na sa bahay: Dingdong nakipagkaibigan sa daga

0 457

Nakakatuwa ang kwento ni Descendants of the Sun lead actor Dingdong Dantes tungkol sa kanyang naging face-off sa isang daga na umaaligid sa kanilang lanai area.

Isa nga raw sa mga natuklasan niya sa kanyang sarili ngayong quarantine ay ang kakayahang malabanan ang takot sa daga.

“Sobrang matatakutin ako sa daga. As in talagang ‘pag may nakita akong daga o may malaman lang ako na mayroon sa tabi-tabi, magfi-freak out ako,” sabi ni Dong.

Pero, nagbago raw `yon ngayon.

“Pero isang takeaway doon is, naging kaibigan ko na ‘yung isang malaking daga na umaaligid sa bahay namin kasi nakaya ko na mag-stand off sa kanya ng mga at least 3 seconds kasi ‘di siya umuurong, e. At least ngayon meron na kaming mutual respect kasi talagang inuurungan ko siya dati. Mukhang okay na naman kami,” natatawang kuwento niya. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.