Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buryong, bagot na: Bea natengga career sa GMA

0 1,032

Hindi lang sa pag-ibig nabubuhay ang tao. Dapat abala ka rin  sa trabaho.

Dahil matagal nan gang tengga sa trabaho, tila nababagot, nabuburyong na nga si Bea Alonzo.

Nag-post si Bea sa Instagram ng mga ganap sa buhay niya ngayong pandemya. Sabi niya, wala raw siyang ginawa kundi manood ng mga digital movie.

“When you’ve already watched all your favorite series and re-watched all the others,” sabi niya.

Anyway, wala pang update ang aktres sa project niila ni Alden Richards sa GMA-7.

Sabi nga ng mga fan, naunang lumipat si Bea sa Kapuso network, pero mas naunang nagkaroon ng show ang ka-love team niyang si John Lloyd Cruz.

Regine, Ogie hiwalay matulog

Hiwalay muna sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Si Regine ay kasama ang only child nilang si Nate, si Ogie ay mag-isa sa kanyang kuwarto.

Pinaghiwalay sina Regine at Ogie ng pagkakataon dulot ng kanilang trabaho at para protektahan ang health ni Nate.

Pero nasa isang bahay lang sila, at magkaiba nga lang sila ng lugar sa  bahay.

“Goodnight baba and boo…konting tiis na lang missing you both so much. Fyi lang po, I sleep in another room kasi back to work ako. Si misis naman back to work sa Sunday so by God’s grace sama na kami. Iwas lang po kami kay Nate after taping mga ilang days. We are tested daily at work sa ABS-CBN and studio-bahay lang ako. We continuously pray for your protection. Stay safe everyone. Love you all!” sabi ni Ogie.

Aubrey sapul ng virus

Sapul na rin ng virus ang pamilya ni Aubrey Miles.

May sintomas na sina Aubrey, at mga anak niyang sina Rocket, Hunter.

Pinakita ni Troy sa Instagram ang asawa at ang isa nilang anak na natutulog sa isang kama. May soar throat na si Aubrey at nilalagnat na rin ang dalawang bata.

Sa Facebook post ni Aubrey, binahagi niya ang nararamdaman. Ang kabutihan lang may pang-amoy at panlasa raw sila.

Solenn mukhang buntis

Kinulit ng mga netizen si Nico Bolzico kung buntis ba ang misis niyang si Solenn Heussaff. Sa Instagram video post ni Nico, na tumalon sa nagyeyelong swimming pool, isang ‘marites’ ang nangingisda ng kumpirmasyon na, “Is Solenn pregnant?”

Marami ngang fan ang nagtatanong kung buntis si Solenn dahil sa Facebook post niya.

Sa posting ni Solenn ng black and white photo niya habang itinataas ang anak na si Tili, pinalagay ng mga netizen na nagdadalantao ito, dahil na rin sa ini-endorso niyang leotard.

‘If you get preggo’ kasi ang chika niya, kaya inulan siya ng mga  tanong at pagbati na rin.

Winwyn babae ang baby

Babae ang pinagbubuntis ni Winwyn Marquez, base na rin sa pahayag ng aktres sa Instagram.

“Kind of miss the outside world already. Less than 2 weeks before Feb and I pretty much spent my whole January in my room. Tiis lang konti and in a few days, I can start fixing things for my baby girl na,” sabi ni Winwyn.

Siyempre, happy ang mga magulang niyang sina Alma Moreno, Joey Marquez, na babae ang magiging apo nila kay Winwyn.

Leave A Reply

Your email address will not be published.