Una sa Balita

Burol ni Isabel madamdamin

By
(Boy Borja)
0 28

Naging madamdamin ang unang gabi ng burol ng aktres na si Isabel Granada sa Santuario de San Jose sa Greenhills nang dumating ang ina nito na si Mommy Guapa na ayaw pumasok at nagtagal pa ito sa kotse. Ilang oras pa ang lumipas ay doon lamang ito napi­lit ng kaibigan ng aktres na si Chuckie Dreyfus na pumasok subalit sa gilid lamang ito umupo at ayaw pang sulyapan ang labi ng anak kung saan kinakausap at kino-comfort ito nina Mother Lily Monteverde at Bibeth Orteza.

Isabel Granada wake
(Boy Borja)

Naging punong abala­ sa burol ang mga kaibigang sina Nadia Montenegro, Bianca Lapus at Chuckie.

Dumating sa burol ang dating asawa ni Isabel na si Jericho Aguas kasama ang anak na si Hubert. Gabi na nang dumating ang asawa ng aktres na si Arnel Cowley.

Nagsidatingan din ang mga dating kasamahan at kaibigan sa That’s Entertainment na sina Manilyn Reynes, mag-asawang Romnick Sarmienta at Harlene Bautista, Lotlot De leon at Jennifer Sevilla. Namataan din sa lamay ang mag-loveteam na sina Elmo Magalona at Janella Salvador, Carlito Siguon-Reyna, at Jamie Rivera.

May public viewing ngayong araw mula 10AM hanggang 5PM. Nakatakda ang cremation ng aktres bukas ng 2PM.