Una sa Balita

Bureau of Corruption (BuCor), santuwaryo ng mga drug lord

0 302

Dear Abante,

Magandang araw sa mga ka-Abante!

Seryosong problema ang korapsyon sa BuCor, dahil dito dapat pinaparusahan ang mga nagkasala sa estado ngunit dahil sa mga nabunyag na kalokohan ay parang wala nang silbi ang BuCor dapat ito’y linisin, tanggalin ang mga opisyal at pagbayarin din sa kanilang kasalanan.

Ang mga preso na high profile na dapat hindi ­pinapayagan mabuhay nang marangal ay buhay hari sa loob ng piitan.

Paano pa sila mahuhuli kung nasa loob na sila ng kulungan pero patuloy pa rin sa paggawa ng krimen.

Ang maximum compound tuloy parang naging ­sanctuary ng mga drug lord, hitman, gambling lord at iba pa na may pera na at kayang–kayang suhulan ang mga opisyal ng BuCor maging ang doctor ng NBP.

Dapat ibalik na talaga ang death penalty, kamatayan para sa mga drug lord, gambling lord at sa mga gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Huwag na nating paghinayangan ang kanilang ­buhay kung ang kapalit naman ay ilang libong buhay ang ­maililigatas at magkakaroon ng katarungan.
Bega Pors ng Moriones, Tondo

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy